Usap-usapan ngayon ang pahayag ng dating manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz sa balita nitong hiwalayan nila ng reel-to-real partner na si Enrique Gil.

Sinabi pa nito na nasasayangan siya sa halos walong taong pagsasama ng magkasintahan kaya umaasa siya na kung meron mang hindi pagkakaintindihan ay sana maayos pa ng dalawa.

Hanggang ngayon ay mainit paring usapan ang bagong management ni Soberano na Careless kung saan kasama rin niya ang actor-singer na si James Reid.

Ang ilan pang pahayag ni Liza tungkol sa istilo ng pagiging sikat sa industriya ng pag-aartista sa Pilipinas ay pinag-usapan ng marami at sinabing wala raw itong utang na loob sa kaniyang management at kung pwede lang ay maging thankful nalang daw ito sa kasikatan na nakakamit niya ngayon.

Kasalukuyang aktibo ang karera ni Soberano sa ibang bansa kung saan tumatanggap siya ng kabi-kabilaang guesting, projects, promotion, at collab sa iba’t ibang personalidad.

Huling larawan pa ng couple sa Instagram account ni Liza ay noong March 20, 2022 kung saan binati nito si Enrique Gil sa kaniyang kaarawan.

Samantala, sa panayam naman kay Quen ay suportado parin nila ang isa’t isa kahit hindi sila magkasama sa isang project ngayon.

Dagdag pa nito ay kung minsan, siya ang pumupunta kay Hope sa ibang bansa upang magkaroon sila ng quality time.

Nang tanungin siya kung hiwalay na ba sila…

“We’re supporting each other,” sagot niya.