Enrique Gill, Liza Soberano o mas kilalang LizQuen loveteam sa showbiz. Naghit ang loveteam nila simula nung ipinalabas ang Primetime Teleserye na “Forevermore”.

Ogie Diaz, ang former event manager ng LizQuen ay ipinagkalat na nag hiwalay na ang dalawa, “Sana kung meron mang hindi pagkakaunawaan, ma-patch up nila. Sayang, ilang taon din sila, 8 years. Sayang!,” saad pa ni Ogie Diaz. Na ikinagimbal naman ng buong LizQuen Fans.

Agad na kumalat at pumutok sa social media ang sinabi ni ogie diaz na hiwalay na ang LizQuen dahil ang LizQuen ay isa sa pinakamalakas na loveteam sa pilipinas. Nangunguna sa listahan ang Kathniel na kagaya nila ay going stronger din.

Pero napahinga naman ng malalim ang lahat ng magpost ang dalawa na si Enrique Gill at Liza Soberano, na walang ano mang hiwalayan ang nangyari.

Going strong ang dalawa at itinanggi ang hiwalayang kumakalat na ngayon sa social media kasabay ng pagbatikos ng mga fans kay Ogie Diaz, na syang nagpakalat sa maling impormasyon. Ipinakita rin ng LizQuen na kahit sino man ang sisira sa buhay nila ay lalabanan nila.