Sabay nag-explore ang tambalang Barbie Forteza at David Licauco para sa kanilang upcoming romcom film na ‘That Kind Of Love’ na hatid ng Pocket Media Films Inc. at sa direksyon ni Catherice Camarillo.

First time sa Seoul ni Barbie kaya excited siya i-explore ang bansang matagal na raw niyang gustong puntahan.

“Malaking bagay na very romantic place din kasi ang Korea tapos ang dreamy ng mga places na pupuntahan namin. Swak na swak sa istorya namin and dios ko kasama ko ang Oppa,” panayam kay Barbie na ang Oppa na kaniyang tinutukoy ay ang Pambansang Ginoo na si Licauco.

Samantala, first time rin umano ni Licauco ang magshoot ng movie out of the country kaya grateful umano siya na si Barbie ang kasama niya.

“Fan din ako ng Korea nobela and maraming spots din dito na maraming pwedeng gawin like date,” sagot naman ni David.

Medyo confidential pa ang ibang detalye tungkol sa movie pero makikita naman ang ibang snippet sa kanilang Instagram stories.

Alam daw nilang excited na rin ang BarDa fans na mapanood silang muli at ngayon nama’y sa big screen.

Nagpapasalamat din ang Team BarDa na dumadami rin ang supporters ng Team FiLay at fans ng Kapuso teleserye na Maria Clara at Ibarra na patuloy pa ring namamayagpag sa Netflix Philippines bilang No. 1 sa loob ng isang buwan.