Ipinanganak ang German-French na si John Paul Guido-Boucher Scherrer o mas kilala bilang John Regala noong September 1965. Unico hijo ng mga dating artista na sina Ruby Regala at Mel Francisco.

Kilala bilang matulungin at mapagmahal sa pamilya si Regala dahil sa murang edad ay naranasan niya ang malupit at hindi makataong pang-aapi ng kaniyang mga kamag-anak. Nang manirahan sa Manila kasama ang kaniyang ina, natutunan ni John ang maghanap-buhay upang makatulong sa magulang. Ilang pang-kalyeng trabaho ang kaniyang pinasok upang makapag-diskarte. Sa pangarap na maging sundalo, pumasok bilang jungle fighter at nag training ng dalawang taon si Regala ngunit aminadong hindi kaya ang ma-destino sa Mindanao kaya nag-AWOL.

Hanggang sa maisipan niyang umekstra sa ibang mga palabas. Ilang roles ang ginampanan ni Regala hanggang sa makilala siya sa mga pelikulang “Bobby Barbers (1997)”, “Lipa Massacre (1994)”, “Kinatay (2009)”, “Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story (2011)”, at marami pang iba.

Huling teleserye ni Regala ay ang FPJs Ang Probinsyano.

Hunyo 3, 2023 (Sabado), kinumpirma ng kaniyang maybahay na si Victoria Scherrer ang pagpanaw ng beteranong aktor 6:28 ng umaga dulot ng cardiac arrest at iba pang komplikasyon sa katawan.