Ang pinakamatagal na variety show na “Eat Bulaga” ay nagsimulang umere ng live noong Lunes at nagpakilala ng isang bagong set ng mga host. Isang linggo matapos ang orihinal na mga host na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon ay nagpaalam sa production company na Television and Production Exponents Inc. (Tape Inc.).

Ang mga bagong host ay sina Paolo Contis, Buboy Villar, Bentong Sumaya, Alexa Miro, Cassy Legaspi at Mavy Legaspi. Maraming mga netizens ang nagbigay ng kanya kanyang saloobin tungkol sa show at karamihan dito ay mga negatibong komento. Tila mas hinahanap parin nila ang mga dating hosts ng programa.

Binuksan ng mga bagong pakulo at mukha ang naturang variety show sa pamamagitan ng pag-perform ng awit na “Best Day of My Life.” Sinundan ito ng isang laro kung saan nagbigay sila ng mga perang papremyo at iPhone 14 sa mga manonood.

Kasama rin nila bilang mga guest performer ang local girl group na XOXO at ang artistang si Kokoy de Santos.

Noong nakaraang Mayo 31, inanunsyo ng iconic trio na TVJ na umaalis na sila sa Tape Inc. matapos ang 43 taon. Pagkatapos ng anunsyo, sinundan ito ng pagbibitiw nina Wally Bayola, Ryan Agoncillo, Jose Manalo, Maine Mendoza, Paolo Ballesteros, Ryzza Mae Dizon, Allan K., at ng mga natitirang mga manunulat, sales at production personnel at mga cameramen.

Isang araw matapos ito, sinabi ng Tape Inc. na habang “nalulungkot” sila sa pangyayari, nananatiling nakatuon ang kanilang atensyon sa pagsusumikap na magkapagbigay ng “magandang entertainment” muli sa publiko.

Noong Lunes, sinabi ni Tito Sotto sa isang interbyu na sila ay nakikipag-usap sa ilang mga networks at mag-aanunsyo kung saan nila dadalhin ang kanilang bagong palabas sa mga darating na araw.

“We have yet to decide. We agreed among ourselves that by June 7 we will be ready to announce,” saad ni Sotto.

“Kung magiging maayos ang lahat, siguro naman baka first week of July, maipapalabas na namin yung bagong programa,” dagdag pa niya.

May nasagap na balita ang mga marites sa buong Pilipinas na mula sa mga showbiz insiders na magbubukas ang TVJ ng isang bagong noontime show na prinodyus ng Brightlight Productions na pagmamayari ni Bacolod City Mayor Albee Benitez sa TV5.

Ang Brightlight ay isang block timer at prodyuser ng “Rated Korina.”

Sadyang di papipigil na maghatid ng saya at katatawanan ang TVJ sa mga dabarkads natin mula Aparri hanggang Jolo. Ito ay tiyak na tatangkilikin ng sinumang umaasa sa kanilang pagbabalik telebisyon. Hintayin nalang nating kung ano ang magiging bagong konsepto at mga programang idadagdag ng TVJ sa nalalapit nilang pagbabalik sa noontime show. Sigurado na maraming mga kaabang abang na pakulo na tunay na kagigiliwan ng mga manonood sa pangunguna nina Jose, Wally, at Paolo. Maghintay nalang tayo sa mga susunod na mga balita tungkol sa bagong noontime show nila.