Si Mcneal “Awra” Briguela (ipinanganak noong Marso 26, 2004) ay isang batang artista mula sa Pilipinas, ginampanan niya ang kanyang pag arte sa “The Super Parental Guardians” bilang si Megan Gaspar. Kilala din ito bilang isang vlogger at model.

Tila pumutok ang balita sa social media ng biglang may video’ng na upload na nakipagsuntukan si Awra sa mga taong bumastos sa kaibigan nito.

Hindi makapaniwala ang lahat sa ginawa nito dahil kilala si Awra bilang myembro ng LGBTQ at ang akala nilang mahinhin ay syang hindi pala. Tila lumabas ang kakayanan nito ng lumagpas na sa linya ang mga taong bumastos sa mga kaibigan niya.

Marami ring nagtataka kung bakit si Awra lamang ang na aresto at kinasuhan sapagkat pinrotektahan lamang nito ang kaniyang kaibigan sa mga taong nambabastos nito. Kitang kita sa video kung paano ito pinosasan at isinakay sa patrol car.

Ang mga nitizens at ang mga fans ni Awra naman ay walang tigil sa pag post at paglabas ng kanilang saluobin sa social media dahil tila may mali daw sa mga nangyayari sa kaniya ngayon. Ang kaya lamang nilang gawin ay maghintay at magdasal na sana makalabas na si Awra sa mas lalong madaling panahon.