Si Andrea Brillantes ay isang Filipinang aktres at modelo. Isinilang noong ika-12 ng Marso, 2003 sa Taytay, Rizal, Pilipinas, siya ay sumikat bilang isang batang aktres at mula noon ay nagpatibay ng kanyang pangalan bilang isa sa mga prominenteng batang bituin sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Habang si Rendon Labador ay isang Internet Personality at isa ring entrepeneur.

Makikita sa mga indibidwal na socials ng dalawa ang initan at batuhan ng iba’t ibaang salita. Nagsimula kasi ito ng magpost si Rendon ng picture ni andrea na nasa inuman at may caption na ‘Para saa lahat ng iniwan “Career muna bago landi”‘ na agad namang shinared post ni Andrea na may caption na “PINNAGSASABI MONG CAREER MUNA BAGO EH MAS MAYAMAN PA AKO SAYO??? FOCUS KA SA MOTIVATIONAL RICE MO AHAHAHAHA”

Binatikos naman ng iba’t ibang komento si Rendon galing sa mga nitizen at sa mga fans ni andrea. Kung bakit pa daw ito nakisawsaw sa problema ng iba eh kung mag focus nalang sa sarili niya at sa Motivational Rice nya. Nangyari kasi itong lahat ng isang Araw ay bigla nalang pumutok ang balita patungkol sa hiwalayan ni Andrea Brillantes at Ricci Rivero.

At hindi pa dito nagtatapos ang alitan at batuhan ng dalawa ng mga iba’t ibang salita dahil may karugtong pang video na syang sagot ni rendon sa caption ni andrea .

Tila inaabangan din ng mga nitizen ang mainit na pagpaparinig at alitan ng dalawang panig. At may isa pang nagsabing ‘Abang abang sa mga susunod na pangyayari’.