Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang plano para sa pagpapaunlad ng Turismo ng ating bansa simula sa taong ito hanggang 2028 na ginawa ng Kagawaran ng Turismo (DOT) sa pakikipagtulungan sa mga stakeholder ng pampubliko at pribadong sektor.

Ayon kay Tourism Secretary Christina Garcia Frasco, ang turismo ay isa sa mga industriya na maaaring lumikha ng mga magagandang oportunidad at kabuhayan sa mga malalayo at liblib na komunidad sa Pilipinas, at sa lahat ng sektor ng lipunan. Ipinakita ni Frasco na ang paglikha ng inclusive at sustainable development para sa bansa ay nangangailangan ng “national commitment” para sa turismo.

Ang DOT ay magpapatupad ng pitong layunin na magtatakda sa commitment at estratehiya ng kasalukuyang administrasyon, kabilang ang pagpapabuti ng imprastraktura at accessibility ng turismo, pagpapahusay sa magandang karanasan ng mga turista dito sa bansa, at pagsasamantala ng lokal na pamahalaan na mas lalong palawigin ang pag-angat ng eknomiya sa pamamagitang ng turismo at magandang international relations sa ibang mga bansa. Target ng DOT na magkaroon ng 5.3 milyong trabaho sa turismo sa taong ito, na may 11.8% na ibinabahagi sa kabuuang rate ng employment sa bansa. Sa 2028, inaasahan ng DOT na makapagdudulot ng 34.7 milyon na trabaho sa turismo.

Upang malampasan ang mga hamong hinaharap ng Pilipinas bilang destinasyon ng turismo matapos ang pandemya, magpapatupad din ang departamento ng tatlong strategic approaches: connectivity, convenience, at equality. Ang connectivity ay tumutukoy sa pagpapalakas ng imprastraktura at accessibility ng turismo, habang ang convenience ay lumalayon sa komprehensibong digitalization at connectivity. Ang equality ay naglalayong pagtutugma ng pagpapaunlad at pag-promote ng produkto ng turismo, pagsasama ng multidimensional tourism, at pagpapalakas ng governance sa turismo sa pamamagitan ng malapit na pakikipagtulungan sa mga national at lokal na stakeholder.

Layon din ng DOT na magkaroon ng 4.8 milyong international tourist arrivals at PHP 316 bilyon na inbound tourism revenue sa taong ito, na may layong magkaroon ng PHP 1.93 trilyon na domestic revenue. Ang domestic tourism ay nananatiling pangunahing estratehiya para sa pagbawi ng ating ekonomiya dulot ng pandemya.

Magpapatupad din ang DOT ng kapaki-pakinabang na layunin na mag-ensayo sa ga 100,000 na manggagawa sa turismo sa ilalim ng Filipino Brand of Service Excellence (FBSE) program. Ang plano ay layong magbigay ng gabay sa mga rehiyon ng bansa sa pagpapalaganap ng pagunlad sa buong bansa sa pamamagitan ng turismo at magbibigay ng oportunidad sa mga Pilipino na magkaroon ng trabaho at kabuhayan.

Ang NTDP 2023-2028 ay naglalayong magtatag ng industriya ng turismo sa Pilipinas na nakabatay sa kultura, pamana, at pagkakakilanlan ng mga pilipino, at magiging sustainable, resilient, at competitive. Ito rin ay nagtutugma sa walong economic aspirations ng Pangulo, na layong tugunan ang mga pinakamahahalagang isyu na kinahaharap ng bansa sa kasalukuyan.

Binabanggit ng DOT na bagamat mayroon nang napakaproduktibong industriya ng turismo sa Pilipinas, ito ay marami pa ring hamon. Sa pagtugon sa mga hamon na ito, mas maluwag na mapapababuti at maipapakita ang buong potensyal ng industriya ng turismo ng bansa sa ilalim ng National Tourism Development Plan.

Sa ngayon, nakapagtala na ng kabuuang 2,029,419 na international visitors ang Pilipinas, na nilampasan na ang target na 1.7 milyon para sa taong 2022. Mula Enero hanggang Abril ng taong 2023, nakapag-generate ang DOT ng halos PHP 168.5 bilyon na visitor receipts. Naniniwala ang pinuno ng Kagawaran na positibo ang pag-unlad ng DOT, lalo na ngayong taon, matapos makapagtala ng significant recovery sa arrivals at revenue sa nakalipas na mga buwan.

Sa kabuuan, ang plano para sa Pagpapaunlad ng Turismo ng Bansa 2023-2028 ay naglalayong magpabago sa mukha ng industriya ng turismo sa Pilipinas, gumawa ng magagandang imprastraktura, at lumikha ng oportunidad para sa mga pilipinong nawalan ng trabaho dulot ng pandemya.