Sa kasalukuyang panahon, isang malaking hamon para sa mga magulang ang patuloy na paglago ng teknolohiya. Sa isang banda, ito’y nagbibigay ng madaling access sa impormasyon at libangan, ngunit sa kabilang banda, ito rin ang nagiging sanhi ng sobrang paggamit ng mga gadget ng mga bata.

Isang malaking isyu ang “gadget addiction” o ang sobrang pagka-attach ng mga bata sa kanilang mga gadget. Sa mga pag-aaral, napag-alaman na ang sobrang paggamit ng mga digital device tulad ng smartphone at tablet ay maaaring magdulot ng impulsive behavior sa mga bata. Bukod dito, ang mga batang gumagamit ng mga electronic gadget sa mas murang edad ay mas nalalantad sa iba’t ibang social at health risks.

Upang maiwasan ang “gadget addiction”, kailangan ng patnubay at gabay ng mga magulang. Mahalagang itakda ang oras ng paggamit ng mga gadget at siguruhing nakakapag-participate pa rin ang mga bata sa iba’t ibang physical activities. Sa ganitong paraan, mababalanse ang kanilang oras sa paggamit ng teknolohiya at iba pang mahahalagang gawain.
Source: HealthXchange, The Straits Times
Full credits to the owner of the photos thay is usw for this article.