Pinakilig ng TNT Duets na sina JM Dela Cerna at Marielle Montellano ang madlang people nitong May 30 sa kanilang awiting I Finally Found Someone.

Naging parte ng TNT Season 1 Grand Finals si Marielle samantalang parte naman ng Season 3 sa kaparehong segment si Dela Cerna.

Si Marielle Montellano ang may pinakamataas sa score sa buong segment ng TNT ngunit natalo ito ni Noven Belleza at tinang na kauna-unahang Grand Champion ng Tawag ng Tanghalan noong 2017.

“Parang gusto kong mainlove ulit!”

“Hindi ba sila magjowa?”

“Nakakaiyak!!! Halatang panalo na!!!”

Pinangalanan nilang Sidlak Bisdak ang kanilang team.

Nakamit ng dalawa ng panalo ng araw na iyon at ilalaban sila ngayong weekend.

Ang ibang kaganapan, tutukan tuwing Lunes hanggang Sabado sa It’s Showtime, alas-dose ng tanghali.