Maynila, Pilipinas – Nagtala ang Pilipinas ng 6,630 pinakabagong kaso ng COVID-19 noong nakaraang linggo, ayon sa pinakabagong bolitin ng kaso ng Kagawaran ng Kalusugan ngayong Lunes.

Mula Hunyo 5 hanggang 11, mayroong average na 947 na mga kaso ng nakkakahawang virus bawat araw sa ating bansa, na 27 porsyento mas mababa kumpara sa nakaraang linggo.

Sa mga pinakabagong kaso, 112 na katao ang itinuturing na malubha o kritikal, ayon sa pinakabagong bolitin ng kaso ng DOH.

Sa nakaraang Linggong talaan, mayroong kabuuang 527 kaso o 11.3 porsiyento ng kabuuang mga pasyente ng COVID-19 ang nasa malubha at kritikal na kondisyon, dagdag pa ng kagawaran.

Mas kaunti lamang sa 377 o 17.7 porsyento ng mga ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19 ang napupuno. Ang non-ICU bed utilization rate ay nasa 19.5 porsyento.

Dagdag pa rito, sa nakalipas na linggo, kumpirmado ng DOH ang limang pagkamatay na labis na ikinalungkot ng mga naulilang pamilya. Hindi rin nila matanggap na sa ganitong sitwasyon hahantong ang kapalaran ng kanilang mahal sa buhay. Ang Kagawaran ng Kalusugan ay lubos na nakikidalamhati sa mga naulilang pamilya. Subalit hindi dito nakatuon ang ahensya kundi sa kung papaano nila masusugpo ang pandemya na kumitil ng maraming buhay sa loob ng apat na taon.

Ayon sa tracker ng DOH, mayroong 11,202 aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas hanggang Hunyo 11. Hindi ito dapat ipagsawalang bahala ng publiko lalo nat wala na tayo sa “quarantine procedures”. Kaylangan na maging maingat ang bawat pilipino sa kanilang kalusugan lalo na ang mga bata. Hindi biro ang magkasakit ngayon lalo nat mahal ang maging biktima ng Covid-19.

Mahigit sa tatlong taon mula nang pumutok ang pandemya, mayroong naitalang 4.1 milyong kaso ng coronavirus sa bansa. Humigit-kumulang 66,481 na tao ang namatay dahil sa virus.

Ugaliin parin gawin ang mga sumusunod para maiwasan ang pagkalat ng sakit:

1. Magsuot ng facemask sa mga pampublikong lugar at panatilihing nakasuot hanggang sa makauwi ng bahay.

2. Palaging maghugas ng kamay sa sabon at tubig ng hindi bababa sa 20 segundo, o gumamit ng hand sanitizer kung walang mapapakitain na sabon at tubig.

3. Panatilihing malinis ang mga bagay-bagay sa paligid, lalo na sa mga madalas hawakan tulad ng mga pinto, kahoy ng hagdan, at iba pa.

4. Sumunod sa social distancing protocols sa lahat ng oras at sa lahat ng lugar, lalo na sa mga matataong lugar tulad ng palengke, mall, at simbahan.

5. Kung mayroong nararamdamang sintomas ng COVID-19, magpatingin agad sa doktor o magtungo sa pinakamalapit na testing center.

6. Sumunod sa mga quarantine protocols ng lokal na pamahalaan at ng national government.

7. Iwasan ang pagdalo sa mga mass gathering o pagtitipon-tipon ng tao sa labas ng bahay.

8. Pumili ng mga online na transaksyon sa mga kailangan bilhin upang maiwasan ang exposure sa mga pampublikong lugar.

9. Palaging magpakalma at magdasal o mag-meditate upang mabawasan ang stress at anxiety.

10. Magpa-vaccine upang maprotektahan ang sarili at ang mga taong nakapaligid sa iyo sa posibilidad ng pagkahawa sa COVID-19.

Sa gitna ng pandemya ng COVID-19, mahalagang gawin ng bawat Pilipino ang kanilang tungkulin upang maprotektahan ang sarili at ang mga taong nakapaligid sa kanila. Sa pamamagitan ng pagiging responsable at pagsunod sa mga protocols na inilabas ng gobyerno, maaaring maiwasan ang pagkalat ng virus at maapula ang krisis na ito sa lalong madaling panahon.

Ang paglaban sa pagkalat ng COVID-19 ay hindi lamang responsibilidad ng gobyerno, kundi ng bawat isa sa atin. Sa pamamagitan ng patuloy na pagsunod sa mga protocols at pagpapakalat ng tamang kaalaman tungkol sa virus, maaaring maging epektibo ang ating laban sa pandemya.

Ngunit kailangan din ng kooperasyon ng bawat indibidwal upang magtagumpay ang laban na ito. Sa pagtutulungan, maaari nating mapangalagaan ang kalusugan ng ating mga kababayan at maisalba ang ating bansa mula sa krisis na dulot ng COVID-19.