Hindi kukulang sa 17 ang bilang ng mga nasawi matapos mahulog ang isang bus sa isang bangin sa Antique.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, ang insidente ay nangyari noong Martes, ika-5 ng Disyembre, sa tanghali, sa tinatawag na “killer curve” sa bayan ng Hamtic.
Ang Ceres Liner bus na nagmula pa sa Iloilo City ay may 28 na pasahero.
Nabanggit na nagkaroon ng malfunction ang preno ng bus, kaya’t ito ay nahulog sa isang 18-metro (60 talampakan) na bangin, kung saan ilang pasahero ang naipit sa ilalim ng bus.
Nagtagal ng mahigit sampung oras ang pagsagip ng mga awtoridad sa ilang pasahero, na pinangunahan ng PDRRMC.
Bukod sa mga namatay, pitong pasahero ang nasa kritikal na kondisyon at nagpapagamot sa ilang ospital sa Iloilo. May apat na iba pang pasahero na nasa stable na kondisyon, ayon sa Antique provincial government.
Ang mga nasawi ay kinilala bilang sina:
Ricky Serios (driver);
Jose Glen Fandagani (bus inspector);
Wilmar Marcelino (konduktor);
Jevy Burdago (inspector);
Wilbur de Llava;
Jim Andrie Secondes;
Nelson Espina;
Francis John Vuelga;
Fritzie Javellana;
Zairon Alcala;
Ramon Salvani;
Janine Marquez;
Jomarie Alcala;
at Tom Elizaga.
Kabilang din sa mga namatay ang dalawang dayuhan na sina Federica Singh mula India at si Patrick Mosumi, isang misyonaryo mula Kenya.
“I would like to believe that that road has a design fault. The DPWH should study very hard why vehicles are prone to accidents in that area alone,” ayon kay Gov. Rhodora Cadiao.